Bagama't isa pang sikreto ang kanyang role sa huling episode ng teleserye, inilahad ni Slater sa kanyang Twitter account ang kanyang excitement sa mga bagong nararanasan lalo na sa kanyang pag-guest sa "E-Boy." Aniya, "Wow! Lahat ito ay bago para sa akin. Nakakapagod, pero masaya."
Makakasama din naman ni Slater ang aktres na si Jessy Mendiola na guest din sa finale ng nasabing serye.
Samantala, sa huling episode ng "E-Boy," tunghayan ang mga makapigil-hiningang eksena na magaganap sa pagtutuos ni Miguel (Jomari Yllana) at Gabriel (Ariel Rivera). Hanggang saan kayang dadalhin ni Miguel ang kanyang galit at inggit sa kapatid? Mabubuo pa nga bang muli ang pamilya ni Gabriel? Tuluyan na bang isasakripisyo ni E-Boy (Bugoy Cariño) ang sarili para sagipin ang itinuturing na pamilya?
Ang "E-Boy" ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na "Bida Best Kid" na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging 'da best' sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.
Huwag palampasin ang huling episode ng "E-Boy" gabi-gabi, pagkatapos ng "TV Patrol" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on lamang sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment