Sa "Maan Antukin" episode, gagampanan ni Xyriel ang karakter ni Maan, isang batang hindi pinapahalagahan ang pagtulog at laging nagpupuyat dahil sa kakalaro. Dahil sa katigasan ng ulo, bigla-biglang makakatulog si Maan kahit saan, kahit kailan at kahit ano ang ginagawa niya dahil sa parusa ng engkanto ng panaginip. Magiging masunurin na kaya si Maan kapag nalagay ang buhay niya sa alanganin dahil sa parusa?
Makakasama ni Xyriel sa episode sina Angel Aquino, Ricardo Cepeda, Martin del Rosario, at Karla Estrada. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at direksyon ni Francis Pasion.
Ang "Wansapanataym" ay bahagi ng malawakang kampanya ng ABS-CBN na "Bida Best Kid" na naglalayong isulong ang kapakanan ng mga bata sa pamamagitan ng paggawa ng mga programang nagpapakita ng mabubuting asal at pagpapahalaga. Hinihimok sila nito na maging 'da best' sa anumang larangan na naisin nila at patuloy na abutin ang kanilang mga pangarap.
Huwag palampasin ang simula ng month-long special ni Xyriel sa "Wansapanataym" ngayong Sabado, pagkatapos ng "Kapamilya: Deal or No Deal" sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment