Sa katunayan, madalas na ngayong naririnig sa iba't ibang istasyon ng radyo sa buong Pilipinas ang pinakabagong single ni Angeline na "Bakit Nga Ba Minamahal Kita" na mula sa kanyang pangalawang album album.
Ang "Fall In Love Again" ay naglalaman ng 15 na kanta kabilang ang kantang "Lipad ng Pangarap" kung saan ka-duet ni Angeline ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez; ang original soundtrack ng pelikulang "Unofficially Yours" na "If You Asked Me To" kung saan ka-duet niya si Erik Santos; ang soundtrack ng teleseryeng "Budoy" na "Saan Darating ang Umaga," ang soundtrack ng teleseryeng "Walang Hanggan" na "Hanggang;" ang awiting "Kung Ako'y Iiwan Mo" na theme song ng pinakabagong teleserye ng ABS-CBN na may parehong titulo; at ang kantang "I Just Fall in Love Again" na siyang magiging theme song ng inaabangang pelikula nila ni Coco Martin.
Kukumpleto sa latest album ni Angeline ang mga awitin na "Nag-iisang Bituin," "Maghihintay Sa'yo," "Hulog ng Langit," "Ngayon," "You're My Home," "You Light Up My Life;" at ang dalawang bonus tracks na "Tanging Ikaw" at ang acoustic version ng "Bakit Minamahal Kita."
Samantala, dadayo naman si Angeline sa iba't ibang panig ng bansa para sa mall tour ng "Fall In Love Again." May mall show siya sa Astroplus SM Megamall at SM The Block sa Miyerkules (Abril 18) at SM Bacoor sa Abril 21.
Para sa limitadong panahon, libreng ring maida-download ng mga bibili ng album ang solo version ni Angeline ng "If You Asked Me To" sa www.musicstore.com.ph.
Bumili na ng pinakabagong album ni Angeline sa Star Records" na "Fall In Love Again" sa mga record bars nationwide. Para sa karagdagang update at online song downloads, mag-log on lamang sa www.starrecords.com.ph,www.mymusicstore.com.ph, www.amazon.com, www.spotify.com, at iTunes. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Star Record's Facebook fanpage na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment