Tuloy na tuloy na nga ang pagtakbo ng batikang direktor na si Joel Lamangan sa pagiging congressman nito sa lungsod ng Cavite. Matatandaang lumabas na noon ang pangalan ni Direk Joel sa balak diumano nitong pagsali sa pulitika dahil sa kaniyang pagkaugnay sa isang local party. Ayon kay Joel Lamangan, alam niyang maraming natatanggap na kritisismo ang showbiz personality na katulad niya na pumapasok sa pulitika. Makakalaban ng direktor bilang congressman si Francis Gerald Abaya na kilalang mula sa pamilya na namumuno na sa lugar ng halos dalawang dekada.
Ayon kay Direk Joel, tatakbo siyang congressman dahil nakikita niyang walang pagbabago sa kaniyang lugar kahit pa ilang taon nang namumuno ang pamilya ng kaniyang makakalaban. Dagdag ni Joel Lamangan, wala raw programang pang-ekonomiya ang mga namumuno sa lugar kung kaya marami ang nagugutom dahil walang hanapbuhay. Kaliwa’t kanan din umano ang korupsyon sa naturang lugar kung kaya dismayado si Direk Joel dahil wala umanong pagbabago rito. Ang kaibigan umano ng direktor na si Senator Bong Reviilla ang isa sa mga nagkumbinsi sa kaniya na tumakbo bilang congressman. Kung manalo naman daw bilang congressman si Joel Lamangan ay mas mabuti ngunit kung sakaling matalo naman siya ay hindi naman daw ito problema dahil mas mahalaga ay sinubukan niya ito.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment