Dahil sa tagumpay ng teleserye nina Julia Montes at Coco Martin na Walang Hanggan ay inaasahan na bibida ang dalawa sa isang pelikula. Ito ay kinumpirma mismo sa naganap na Walang Hanggang Pasasalamat concert sa Araenta Coliseum. Kinumpirma ni Coco na nag-request siya na gumawa ng pelikula kasama si Julia matapos ang kanilang teleserye. Ayon sa aktor, mahirap umano bumitaw agad sa kanilang teleserye lalo na sa mga artistang nakasama niya. Ngayong taon ay inaasahang gagawin nina Coco Martin at Julia Montes ang kanilang kauna-unahang pelikula.
Masaya rin umano ang binata dahil siya ang nakasama ni Julia sa soap opera ngayong ito ay nagdadalaga na. Pinuri rin ni Coco ang dalaga dahil ito umano ang isa sa pinakamagandang artista ng ABS-CBN. Naniniwala ang dalawa na ang teleserye na kanilang ginawa ang tumulong sa kanila para maging mas mahusay na aktor at aktres. Ito rin umano ang naging dahilan para maging mas malapit pa sina Coco Martin at Julia Montes sa kanilang mga kasama sa teleserye. Natuto umano si Coco na mag-adjust dahil malaki ang ibinata ni Julia sa kaniya. Lalo rin umanong humaba ang pasensiya ng binata dahil na rin sa pagiging makulit ng aktres.
Hindi lamang sa trabaho kundi maging sa personal na buhay ay natulungan din umano ni Coco Martin ang kaniyang leading lady. Para kay Julia Montes, mas naging matured umano ang kaniyang mindset sa buhay at maging sa kaniyang trabaho. Pinasalamatan naman ni Julia ang leading man nitong si Coco dahil sa pagiging gentleman at sa pagtulong nito sa kanilang trabaho. Nangako naman si Coco Martin na mananatili siyang kaibigan para kay Julia Montes para ito ay gabayan. Sa darating na October 26 ay inaasahan ang pagwawakas ng Walang Hanggan. Kasama rin sa naturang teleserye sina Susan Roces, Helen Gamboa, Dawn Zulueta, Richard Gomez, Paulo Avelino, Melissa Ricks, Joem Bascon, Noni Buencamino, Ogie Diaz at Arlyn Muhlach.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment