Hanggang sa kanilang mga sariling teleserye ay panay pa rin ang pagkumpara kay Julia Montes at Kathryn Bernardo. Sa isang panayam kay Julia ay nabanggit nito na masaya siya dahil bagamat pilit silang pinag-aaway ni Kathryn ay nanatili pa ring matatag ang kanilang pagkakaibigan. Parehong top-raters ng primetime TV ang teleserye ng dalawa na Walang Hanggan at Princess and I. Masaya naman si Julia Montes dahil sa tagumpay ng pareho nilang proyekto ni Kathryn Bernardo. Inamin naman ng dalaga na bagamat parehong abala ay hindi naman nila nakakalimutan na bigyan ng advice ang isa’t-isa lalo na pagdating sa usaping pag-ibig.
Hindi naman daw nila pinipigilan ang bawat isa na pumasok sa isang relasyon ngunit iginiit ni Julia na gusto niyang pag-ingatan ni Kathryn ang kaniyang puso at ito ay bantayan. Alam naman daw ni Juli Montes na pwedeng maging masaya ang puso ngunit ingatan lamang daw ito na huwag masaktan. Nauugnay ngayon si Kathryn Bernardo sa binatang aktor na si Daniel Padilla at sinasabing ito ang kaniyang pinakamasugid na manliligaw. Samantalang ang Walang Hanggan star naman ay nauugnay rin sa binatang si Enchong Dee. Sinabihan na rin daw ni Julia Montes ang manliligaw ng kaibigan na huwag itong sasaktan at alam niyang hindi naman ito gagawin ng aktor.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment