Mga bago at nagbabalik na programa ang bubuo sa de-kalidad na lineup ng Hero TV para sa buwan ng Nobyembre.
Ang mga bagong anime na may temang "Silver Squadron" ay magbibigay inspirasyon sa mga manonood na huwag sumuko sa kahit na anong laban. Tulad na lamang ng mga 'live-action' anime na "Rescue Force" at "Ultraman Mebius". Ipapalabas ang una sa HERO THEATRIXX ngayong November 11 at 25, 12:00 a.m., 12:00 p.m. at 9:00 p.m. habang ang huli ay ipapalabas simula November 23, 10:00 p.m. na may mga replay ng 4:00 a.m., 10:00 a.m. at 4:00 p.m.
Iba pang bago sa Hero TV ang series na nabuo mula sa konsepto ng isang online game, ang ".Hack// Legend of Twilight" simula ngayong November 2, 7:00 p.m. na may mga replay ng 1:00 a.m., 7:00 a.m. at 1:00 p.m., "Skullman" na sinusundan ang buhay na Minagami Hayato sa pagtuklas kung sino ang "skull mask killer" simula ngayong November 11, 5:30 p.m. na may mga replay ng 11:30 a.m., 4:30 p.m. at 8:30 p.m. at ang "Trigun" kung saan makikilala na ang outlaw na may 60 bilyong reward na nakapatong sa ulo simula ngayong November 27, 9:00 p.m. na may mga replay ng 3:00 a.m., 9:00 a.m., at 3:00 p.m.
Para naman sa mga hindi makapag-hintay na matapos panoorin ang isang buong series ng anime, may handog ang Hero TV - ang bagong "Weekend Hyper Anime Marathon" na ipapalabas simula 6:00 p.m. hanggang 12:00 a.m. tuwing Sabado kung saan ipapalabas ng buo ang "Project Blue Earth SOS", "Devil May Cry", "Mission E" at "Kyoshiro and the Eternal Sky".
Magbabalik naman ngayong buwan ang ilang anime na tumatak sa puso ng marami. Ito ang "Absolutely Lovely Children", "Detective Loki", "Familiar of Zero" at "Jackie Chan's Fantasia" samantalang ipapakita ng Hero TV ang mga boses sa likod ng anime na "Trigun" sa "Dubber's Cut".
Lahat ng ito at marami pang iba sa Hero TV (SkyCable Channel 44), ang numero unong anime channel sa bansa. Para sa mga updates at airing schedules, bumisita sa opisyal na website ng Hero TV sa www.myheronation.com.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment