Sinagot na ni Direk Mac Alejandre ang mga isyu na lumalabas sa Artista Academy na isang reality and talent show ng TV5. Napapabalita na may paborito umano ni Direk Mac sa mga estudyante niya sa Artista Academy. Aniya, ang mga ginagawa niyang pagpuna, pagpansin o pagpuri ay parte lamang ng kaniyang trabaho bilang isang kritiko.
Bukod dito ay nilinaw din ni Mac Alejandre na sumabay sa kaniyang sasakyan ang mga estudyante ng talent search na sina Akihiro Blanco papunta sa Esquire Ball sa Makati. Totoo raw ito ayon sa direktor at kasama rin dito ang Top 6 ng Artista Academy na si Chanel Morales. Ayon naman sa binatang si Akihiro, nagsisilbi na umanong tatay si Direk Mac Alejandre sa kanilang mga estudyante sa naturang programa at alam niyang pinoprotektahan lamang sila nito. Kasama rin sa Top 6 ng reality show sina Vin Abrenica, Sophie Albert, Mark Neumann, at Shaira Mae.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment