Samantala, hindi pa rin mapapahinga si Coco Martin dahil marami pa rin siyang mga proyektong nakapila pagkatapos ng Walang Hanggan. “Akala ko rin makakapagbakasyon ako, marami pa akong gagawin. Marami akong hindi nagawa dahil sa teleserye. Baka unahin ’yung movie namin ni Julia (Montes), ’tapos sana matuloy ’yung sa amin ni Marian (Rivera), pati ’yung kay Ms. Judy Ann (Santos),” bungad ng actor.
Ngayon pa lamang ay maraming mga tagahanga ng tambalan nina Julia at Coco ang nag-aabang na kung ano ang susunod nilang proyekto. Ano na nga ba ang bagong ihahain ng tambalan ng dalawa?
“Pinag-uusapan namin kung ano ba ang hindi pa namin napapakita sa Walang Hanggan? Siyempre si Julia mag-18 years old na next year so mature na ’yung istorya. Napakarami pang puwedeng ibigay ngayong walang limitasyon,” nakangiting pahayag ng aktor.
Ayon pa kay Coco ay malaki ang naitulong sa kanya bilang artista ng kanilang serye.
“Siguro dahil sa show mas nahulma ’yung talent ko at sa pakikipag-kapwa tao ko. Dati kasi mahiyain ako eh. Ngayon natuto na ako maki-bonding sa kapwa artista ko,” paliwanag ng aktor.
Hindi na rin iniisip ni Coco ang kanyang kasikatan ngayon at sa halip ay pinagtutuunan na lamang niya ng pansin ang lahat ng kanyang ginagawa. By wanderer || Full Story: Kapamilyalogy
0 comments:
Post a Comment