Masusubok ang galing nina Vhong Navarro at Carmina Villaroel sa pagluluto sa "Toda Max" ngayong Sabado (October 27) dahil haharap ang dalawa sa isang showdown na tutukoy kung sino ang mas magaling sa kusina.
"Handang-handa ako dito sa cooking competition namin ni Vhong kasi last year nag-enroll ako sa isang culinary school para mas lalo pa akong gumaling sa pagluluto. Kaabang-abang itong cooking showdown namin," ani Carmina na guest sa "Toda Max".
Gaganap si Carmina bilang si Chef Mina, isang four-time winner ng competition na "That's My Chef". Isang panalo nalang at makakasama na siya sa Master Chef Hall of Fame kaya naman determinado siyang manalo. Samantala, pag-uwi ng magpinsang Tol (Binoe) at Justin (Vhong) sa kanilang bahay, daratnan nila sina Tatay Mac (Al Tantay) at Isabel (Angel Locsin) na siya nang nakatira rito. Na force-evict ang magpinsan dahil sa utang nila kay Lady G (Pokwang).
Upang mabawi ang bahay kailangan nilang makapagbayad ng P100,000. Sakto namang magkakasakit ang kalaban ni Chef Mina at dahil desperadong manalo, hihikayatin niya si Justin labanan siya at pag nanalo ay may premyong P100,000.
Ito na kaya ang sagot sa panalangin ni Justin? Alamin sa "Toda Max" ngayong Sabado (October 27) pagkatapos ng "Maalaala Mo Kaya" sa ABS-CBN.
By Night Owl || Full Story: Kapamilyanewsngayon
0 comments:
Post a Comment