Doble ang naging selebrasyon ng mag-asawang Pia Guanio at Steeve Magno kamakailan lang dahil bukod sa dedication ng kanilang anak na si Scarlet Jenine ay nagdiwang din silang mag-asawa ng kanilang renewal of vows. Ang nag-officiate ng seremonya nina Pia at Steeve ay ang kanilang malapit na kaibigan na si Pastor Paolo Punzalan na siyang nag-officiate ng kasalan noon ng dalawa. Tumayong ninong ng anak ng mag-asawa sina  Joey de Leon at Mr. Tony Tuviera na parehong hindi nakarating sa pagdiriwang.
Hindi naman nawala sa selebrasyon ang kasama sa 24 Oras ni Pia Guanio na si Mike Enriquez kung saan nagbigay pa ito ng maiksing prayer blessing sa mag-asawa. Hindi rin nawala ang dating co-host ni Pia sa Showbiz Central na si John “Sweet” Lapus. Dinaluhan ang seremonya ng mga malalapit na kaibigan nina Steeve Magno at ng kaniyang misis. Suot ni Pia ang gawa ng damit ni Rosanna Ocampo na isang lace dress. Samantalang si Steeve naman ay nakasuot ng itim na Hugo Boss suit. Natawa naman na ikinuwento ni Pia Guanio na nabigla siya sa isinulat na vows ng asawang si Steeve Magno dahil napakaganda umano nito.
Full Story @ Tsismoso
0 comments:
Post a Comment